Thank you Jesus….

Posted in Life, Love on August 26, 2011 by witchysmile

Thank You Jesus…

Noong Linggo nagsimula na akong magturo sa Sunday Bible School (matapos ang isang buwan na liwaliw ;) . Salamat kay Olyn na tumayong guro noong wala ako, nakilala ko ang aking walong (8) mga istudyante edad 5 hanggang 8 taong gulang, grade 1 and 2. Sila ang mga bata na mula sa komunidad ng riles sa Balic-balic Sta. Mesa.

Siyempre nag-pray muna kami, at pagkatapos ay nagkamustahan. Nagsimula na ang aming klase, parte ng aming aralin kung ano ang mga bagay na ipanagpapasalamat ng mga bata kay Jesus, maaari nila itong isulat o iguhit (i-drawing). Makalipas ng 15 minuto isa isa ko ng tinawag ang mga bata at nabigla ako sa aking narinig.

Sabi ng isang bata..Salamat Jesus at hindi na umuulan, kase po pag umuulan nagbabaha po sa loob ng bahay namin…

Ika ng pangalawang bata, salamat Jesus at 9 taon na po ako, malapit na akong maging 10, sabi ng doktor ooperahan ang bukol ko sa mukha pag edad ko ng 10, salamat Jesus kase pag nawala na ang bukol ko hindi na ako tutuksuhin ng ibang mga bata..

Salamat Jesus at patay na ang lola ko, “Ha”? Bakit ka nagpapasalamat at namatay na ang lola mo?, ang sagot nya..Kase po malala po ang sakit ng lola ko, kinuha na siya ni Jesus para hindi na po siya mahirapan…

Salamat Jesus, bigkas ng isa pang bata, dahil kahit nakakulong ang nanay at tatay ko may nag aalaga pa po sa akin..Ha? bigkas ko, bakit nakakulong ang nanay at tatay mo? “Kase po nagtitinda po sila ng shabu”. “Sino naman ang nag aalaga at nagpapakain sayo?, “Marami po, sila Ate Chat, sila Ate Imelda, sila Kuya Carl, marami pa po ang nagbibigay sa akin ng pagkain at damit.

Salamat Jesus lagi mo pinapanalo ang nanay ko sa sugal at kami ay nakakakain. (muntik akong mabilaukan sa aking narinig pero hindi ako nagpahalata sa bata)

Salamat Jesus sa church namin, kase may tinutulugan kami kapag bumabagyo.

Muntik akong maluha sa aking mga narinig, naisip ko mabuti pa ang mga bata, laging nagpapasalamat sa mga simpleng mga bagay na nagpapasaya sa kanila, sa mga bagay na nagpapagaan sa “hirap” na kanilang nararanasan.. Simpleng salita, simpleng kahilingan..

Salamat, para kay Mylene Factora Marcotty…

Posted in Friendship on August 26, 2011 by witchysmile

Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan (kaligayahan)

Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan

Salamat (salamat) at tayo’y may pinagsamahan

Salamat, tunay kong kaibigan

Paano kung ang taong nakagawa ng kabutihan at kasiyahan sayo ay hindi mo naman ganung nakasama o nakadaupang palad? Meaning hindi kayo “close” hindi mo BFF noong panahon na kayo ay unang nagkakilala? Pero dahil na rin sa pagiging bukas ng taong ito na buksan ang kanyang puso at isipan na tuklasin ang “bagong” pagkakaibigan at  dahil na rin sa kabutihan ng kanyang puso at kalooban ay nagbigay siya sa akin ng higit sa aking inaasahan…Hindi ako makapaniwala na may mga taong katulad ni Mylene na nabubuhay ngayon..hahaha My, in fairness alamat ka talaga sa kabutihan ng kalooban.. Salamat My, salamat sa mabuti mong kalooban ;)

Alala mo My, nung pauwi na kami ni Jen pabalik sa Pinas, naiiyak ako at panay ang sabi ko ng salamat, biro mo nga ano ka ba paulit ulit..hahaha pero sa totoo hindi ko mapaliwanag ang nais kong sabihin kung gaano ako ka thankful sa kabutihan mo sa amin ni  Jen, lampas sa material na tulong mo sa amin ng bumisita kami sa mansion mong tahanan, kundi sa mga “words of wisdom” mo sa akin sa mga umaga, tanghali o gabi na tayo ay naguusap. Alam mo tumimo sa aking puso at isipan ang halaga ng PAMILYA, ikaw na muling nagbukas at nagbigay ng mahahalagang tagubilin para sa pagpapamilya at pakikipagkapwa.. Sabi mo sa isang FB comment “He who is open minded, is open hearted”. Tama naman kung sino ang mga taong may bukas na pag iisip sila ang mga taong may bukas na puso upang magmahal, at umunawa. Salamat My..salamat  sa bukas mong puso at isipan ;)

Nababalik  sa alaala ko ang kyut na kyut na sila Diego, Gabriel at Andres, na tila musika sa aking pandinig ang kanilang mga boses (though minsan nose bleed ako sa kakainggles kay Diego ha ha ha) pero sa totoo lang My naalala ko ang mga anak ko noong sila at maliliit pa.. Salamt My, salamat sa pagpapatimo mo sa aking puso ang kaligayahan ng pagiging ina ;)

Isama mo pa ng makasama natin si Fabrice na maglakad sa kahabaan ng riles ng tren..Nagbigay ng oras sa amin upang kami ni Jen ay lubos pang makilala ng iyong mabuting asawa na si Fabrice, dagdag mo pa ang panonood natin ng sine..;) na nagbigay ng daan upang makadaupang palad namin at higit naming makilala si Fabrice. Salamt My, salamat sa pagbibigay mo ng panahon na ilapit sa iyong mga kaibigan ang iyong asawa ;)

Hay, ano pa ba ang mas mataas na termino sa salitang SALAMAT? Malamang ay wala na, pero kung makakaimbento pa ng salita ang mga jejemon, bekimon o sinomang mon dyan, pahiram na muna na masambit ko ito sa aking “mahalaga at mabuting kabigang si Mylene Factora Marcotty!  Pero sa ngayon, gamitin ko na muna ang SALAMAT para sayo…;)

Marcotty family picture featured in Filipino local magazine in celebration of philippine independence day

Para kay Karla Maria Boquilla Ferrer…

Posted in Life, Love on August 26, 2011 by witchysmile

Karla Maria Boquila Ferrer, ang haba ng pangalan niya (bakit nga ba hindi na lang KM ang nickname nya, hmmm matanong nga sa tatay ko ;) ) Ang pangalan nyang Karla ay kinuha sa pangalan ng dakilang komunistang si Karl Marx, yung Maria..hehehe sa matiisin at mabait na pangalan ng nanay ni Hesus..;)

 

35 taon na ang nakakaraan, ng isilang ang isang bubwit na babae, ang kyut kyut kase ang liit nya, sa PGH siya ipinanganak, naalala ko noon hindi ako pinapasok sa ospital kase bawal daw ang bata. Nang iuwi siya sa bahay naging mas masaya ang aming pamilya.  Pero sakitin si Karla nung bata siya, siguro bunga rin ng aming kahirapan, naghahati hati kaming magkakapatid sa ang isang lata ng Milkmaid kondesada para magsilbing gatas namin, pinakawawa si Karla kase lagi na lang konti ang natitira sa kanya, hindi naman siya makaangal kase maliit pa siya! ;) .. Doon siguro namuo ang katauhan niya, matiisin, mapagbigay, hindi totoo ang kasabihan na kapag bunso at spoiled brat..hindi si Karla ;)

 

Naalala mo nun La..Ang tukso namin sayo..Piso? Noong bata ka tinubuan ka ng isang sakit sa balat sa ulo, nalalagas ang buhok mo at ang anit mo nagkakaroon ng bilog bilog na galis (dahil mahirap tayo noon galis ang tawag natin, ngayon na mayaman ka na skin disease na!)..Ginagamot ka  ni Nanay, nanghuhuli siya ng langaw, dinudurog  at nilalagyan ng langis ng niyog na niluluto pa niya saka ipapahid sa anit mo. Nakakalokang isipin ngayon kung gaano karumi ang langaw na nilalagay sa ulo mo, ewan ko ba, saan kaya natutunan ni Nanay ang ganung pamamaraan?, nakakakaawang isipin ang ating kalagayan noon, biro mo dahil sa kakulangan sa kaalaman ng maayos na paggagamot at kasalatan sa pera ganun ang nangyari sayo..Pero nakakabilib din kase ginawa ni Nanay ang lahat ng pamamaraan para gumaling ka, hindi ko lang alam ilang libong langaw ang hinuli ni Nanay para ilagay sa piso mo..hmmm ilan nga kaya? ;)

 

Meron pa akong isang rebelasyon sayo. Noong bata ka mga 2 years old ka, para makalaro ako sa kalye, lagi kitang sinasama, lagi kitang pasan pasan..naaalala mo ba? Hehehe, madalas na nahuhulog ka sa pagkakapasan ko, madalas din nababagok ang ulo mo, naku La sorry ha..Kase naman mga 8 years old lang ako nun, masarap maglaro pero kailangan na alagaan din kita kase si Nanay at Tatay nagtitinda sa palengke para mabuhay tayo.. kaya imbes na piso lang ang nasa ulo mo, meron din bentesingko, singkwenta at diyes  sa ulo mo bunga ng tinamo mong mga bukol..;)

 

Pero ngayon iba ka na..Lumaki ka na ng konti, gumanda, lumago ang buhok..ibang iba na noong mga bata pa tayo.. Pero nanatili ang pagiging mabuti at matiisin mo.. Ewan ko ba kung positibo ang pagiging matiisin pero sa totoo lang sayo ko mas higit na natutunan yan..Sa daming bagay na nais kong ipagpasalamat sayo kapatid ay ang pagmamahal mo sa akin at sa ating pamilya..Naalala mo nung nawardi ako, ikaw ang isa sa hinugutan ko ng lakas..ikaw ang nasa tabi ko at nagsasabing “Ate, kaya mo yan!” Ikaw din ang lagi kong kasama sa halos lahat ng lakwatsa ko, sa iba’t ibang lugar. Nang magkapera tayo ng konti pumunta tayo sa Hongkong, naalala mo ng  mag extra challenge tayo sa paglalakad dun nagtitipid kase tayo sa gastos at pamasahe? Naalala mo kung gaano kita pinagod at naabutan tayo ng sobrang lakas na ulan? Hahaha basang basa tayo na pumasok sa mga malls ng HK. Kumbaga kung ako si Batman, ikaw si Robin na aking sidekick. Aba walang bida na nagtagumpay kung walang sidekick di ba…;)

 

Ngayon na kaarawan mo, nais kitang pasalamatan sa lahat lahat, una nagpapasalamat ako sa Diyos kase binigyan Niya ako ng katulad ninyo nila Sol, Rencie at Kuya Edgar na mabubuting mga kapatid. Mabuti kase sa totoo lang ako lang naman ang maldita sa ating magkakapatid,hahaha pero kahit ganun, matiyaga pa rin kayo sa akin! Hahaha, at mahal pa rin ninyo ako sa kabila ng lahat. I LOVE YOU La…Tandaan mo lagi rin kaming narito para sa ikatatagumpay mo..At kahit sa kalungkutan karamay mo kaming lagi. God Bless you sister..Take care always ;)

 

P.S

Yung regalo ko sayo pag nagkita na lang tayo ha, teka ano ba ang prefer mo? Tall dark and handsome o mestizo? Buo ba ang ngipin o pustiso? Bumbayin ba ang itsura o mala taong grasa? hahaha

 

 

 

 

loving karla

ganda ng sister ko!

loving karla

To My Husband Varnie, on Father’s Day

Posted in Friendship, Life, Love on August 26, 2011 by witchysmile

When I look at you being a dad to our children,

my heart swells with gratitude and pride,

I find myself sitting in a corner, admiring you be your natural self,

being in your comfort zone of daddy hood.

I feel so blessed to have a husband like you

I am so thankful that my children are blessed

with a father as caring, thoughtful, and supportive as you

It must be Heavenly Father looking out for me

He knew we would compliment each other

so he blessed us with each other

On this Father’s Day here is a wish for you

I wish for continuous blessings from above

For God’s guidance, protection, strength

For health, long life and prosperity

I want to thank you for always putting our children’s interest first

We love you from the bottom of our hearts

We wish you Happy Father’s Day!

Daranak Falls

Pundaquit, Zambales

Laiya Batngas

Boys Will Be Boys! Mall of Asia

EcoPark

Nagsasa Cove

Going to Nagsasa Cove by the boat!

Unlike ·  · Share · Delete

iskul bukol…

Posted in Life on August 26, 2011 by witchysmile

Eksena sa loob ng classroom:

 

Teacher: Class does anyone here know what is NOUN?

Walang sumasagot

Jabez:Ma’am ako po alam ko..A noun is a word to name a person, things, animals, place and events

Teacher: Class clap your hands for Jabez! ;)

galis…

Posted in Life on August 26, 2011 by witchysmile

Naalala ko noong bata pa ako, may mga naging kalaro ako na may galis, sa paa, sa kamay, at sa iba pang parte ng katawan, sa mura kong edad nabuo sa isipan ko na ang galis ay sakit sa balat na nakapandidiri at nakakahawa. Minsan naglalakad ako sa kalye namin, nakita ko ang isang aso na puno ng galis ang katawan, namumula, nagtutubig at nagdurugo ang kanyang mga sugat na likha ng sakit ng aso sa kanyang balat. Inisip ko pwede kayang patayin na lang ang aso imbes na magdusa siya sa kanyang sakit sa balat? Puede siguro, kase naman ang hirap kaya nung sitwasyon nya, buhay pa siya pero naaagnas na ang kanyang mga balat!

 

Teka, ganun din kaya ang maiiisip kong lunas kung tao naman ang may ganung kalagayan? Na bukod sa galis sa buong katawan e nastroke pa siya? Walang kakayahang tumayo, umupo mag isa, walang kakayahang kumain at maligo ng mag isa, naka-asa sa pag-aalaga ng ibang tao..Nakakapanlumong isipin kung paano niya malalampasan ang kanyang lugmok na kalagayan…

 

Dati siyang malakas, matipuno, punong puno ng kapangyarihang mamuhay at magpatupad ng kanyang dakilang tungkulin para sa ”masa”..Subalit ang lahat ay may hangganan, may katapusan, ang dating lakas ay napalitang ng kahinaan ng dahil sa sakit. Ang dating matipunong katawan, ngayon ay wala ng kakayahang magbuhat kahit na ng baso. Ang dating makapangyarihan ngayon ay nakatali ang kamay sa kanyang upuan dahil sa kanyang nararamdaman..(hindi pwedeng dumikit ang kanyang mga kamay sa kanyang balat dahil kapag inumpisahan na niyang kamutin ang kanyang balat tiyak na magsusugat at magdurugo ang mga ito!)

 

Nakakaiyak..nakapanlulumo na makasaksi ng ganitong kalagayan..ang daming tanong sa aking isipan..Bakit hindi ipagamot? Bakit napabayaan? Bakit nagkaganito? Hanggang ngayon pinipilit ko pa ring unawain ang sitwasyon..ewan ko kung  sa darating na panahon kaya kong nguyain ang kalagayan ng taong ito…Sabi ng isa kong kabigan “Mahirap talaga ang rebolusyon, mahirap magrebolusyon, sabi  niya” CASUALTY OF WAR” yun! :(

 

Dialogue ng pamilya part 1

Posted in Life on August 26, 2011 by witchysmile

Julian: ” Ma, ang bait talaga ni papa noh, mapagbigay, mapagunawa,masyadong seryoso at democratic pa ha! ”

Jabez: “Alam mo mama, paglaki ko bibili ko kayo ni papa ng ticket sa eroplano, tapos babayaran ko ang restaurant na pagkakainan ninyo, para naman makapagdate kayo ni papa”.

Julian: “Mama, si Jabez wag mo na pasamahin sa akin, sunod ng sunod eh, nakakabadtrip kase hindi naman niya kaedad ang mga kaibigan ko!”

Jabez: ” E mama idol ko po si Kuya Julian kaya po sunod ako ng sunod sa kanya”

Julian: ” Anong idol ka dyan, dapat walang IDOLATRY si GOD lang!

Louie: “Ma, pagsabihan mo na yan si Jabez na wag ng sumama ke Julian”

Mama: ” Bakit ba ayaw mong pasamahin si Jabez?”

Jabez: “Kase Mama kaya ayaw nila kase kumakanta po sila ng masama, tapos si Kuya Julian nakikitawa, babantayan ko po si Kuya Julian na wag tumawa sa masasamang biro!”

Louie: “Pa, wag mo na pasunurin yan si Jabez kay Julian, para naman maranasan ni Julian makipagtropa.”

Papa: “Anong wag pasamahin, ano ang mas importante, pamilya o kaibigan?”

Louie: “ Pag bata pa katulad naming ni Julian syempre kaibigan, Pag tumanda na kami katulad ninyo pamilya na ang importante.”

Louie: “ Alam mo Ma, sabi ng friend ko ang ganda mo daw, ang pretty pretty mo kahit bagong gising ka”.

Mama: “ Naku anak salamat kamo, bakit naman niya nasabi yun?”

Louie: “Kase Ma, ang ganda daw ng mata mo, pagkagising mo parang may eyeliner ka na agad”.

Mama: “ Ah, yun ba anak e tattoo eyeliner yun!”

Julian: “Mama, patulian mo na po ako, kase gusto ko na pong magpatuli.”

Jabez: “Naku Mama, wag mong patulian yan, kase pag natuli na yan manliligaw na yan, tapos mag gigirlfriend na, naku Mama baka maaga kang maging lola!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.